Wednesday, July 25, 2007

mom was RIGHT!

The countdown is on.

July 25....5 more days....till payday! :d yeheyyyyy!

Payday, my most favorite day of the month. I instantly feel the urge to splurge during this time. My mother would always remind me when I was still young that we should always save for the rainy days ahead. Sure, but a few days after payday, you dont't really see the need to. Then after two weeks, you suddenly feel the pinch of not having enough cash because you have made an atm withdrawal too many. Tsk,,,tsk,, mom was right. Mom was right. A week before payday comes, this sentence seems to play in my mind over and over. Then...the countdown begins, again. And the whole process repeats itself. Rags to riches to rags in just a matter of 4 weeks. Hmmm, go figure. Mom was right. :D


Monday, July 23, 2007

Isang Mahabang Pahina

naiinis ako! baket kamo? kasi alas-dos y media na ng umaga hindi pa ako dinadalaw ng antok.. paano ba naman kc bigla pumasok sa kukote ko si batman.. syempre.. nagmuni-muni ako ng nakaraan.. ganon nman kc ako eh.. kapag feel ko maging sad magpapaka-sad talaga ako.. reminisce kung reminisce ang drama ko.. with matching sakit ng puso..

naisip ko lang kc.. ano kaya after so many years (ilang taon na nga bang hindi ko sya nasi2layan man lamang..counting.. aaah magpi-pitong taon na) bigla isang araw magkita kami, kausapin nya ako tungkol sa dati or asking for advise ( LOL..ano nman kayang advice? imagination ko eh noh!) Hindi basta bigla kaming magkaroon ng pagkakataon na magkausap muli, ung seryoso, ung matagal, ung aabutin ulit ng hanggang umaga.. tapos ung tipo ng interesado sya ulit sa akin.. toink! toink! gisinggggggg!!! malamang sa hindi sya makikipag-usap muli sa akin,, parang hindi ko sya kilala.. masyadong mataas ang pride nya tsaka tapos na nga naman ang mga pahina tungkol sa aming aklat.. God.. ang boblats ko!

kung nagpakabait kaya ako noon habang nasa mga kamay nya.. we lived happily ever after kaya?? hmmm... sa tingin ko meron pa ring conflict.. saan pa? sa kanyang butihing ina,,, period! ayaw kc sa akin ng nanay nya! un na un! ewan ko ba? eh wala nman akong ginagawang masama noh! speaking ng >>>"kung nagpakabait kaya ako noon habang nasa mga kamay nya.." mabait nman ako noon eh,, In fact takot nga ako sa kanya.. meaning ..of all my bf sa kanya ako may takot.. kapag sinabi nya "walang lalabas",, ayon never talaga ako lumabas ng haus (bahay-school lng).. o kaya nman "ayoko nakikita ka ng ibang tao sa kalsada".. ginagawa ko naman.. kc minsan part of growing up ung mga ganong klase ng bisyo.. tapos heto ako ngayon.. ngayon ako nagpaka-manang ng hindi ko pinilit..basta kusa na lang ako nawalan ng gana gawin ang mga ipinagbabawal nya noon.. oist.. its not necessarily mean na im getting old ha! ngayon ko lang din naisip na >>> "TAMA PALA SYA!".. ngayon pa! kung kelan taon na binilang at wala na akong balita sa kanya..

anyhow... kahit ano nman gawin ko.. isa na lang talaga sya sa mahabang pahina ng buhay ko.. pahinang nagdulot ng unang kirot, ng unang kakaibang galak at lungkot, unang pagbati at unang pighati ..at higit sa lahat ng unang pagkamulat sa totoong ikot ng mundong aking ginagalawan. Sa ngayon, iniisip ko na lang ang mga magagandang alaala ng aming nagdaan noon at wag mong iisipin na meron akong galit sa kanya gawa ng kanyang paglisan... mali ka don.. kasi sabi nga nila.. "kelan ba nagalit ang nagmamahal ng totoo!".


Trivia:
si Batman ang unang taong kinatakutan at pinag-aksayahan ko ng panahon na tumagal sa isa't kalahating taon.. (tagal din) at higit sa lahat ang unang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko.. adiue...