Sunday, July 15, 2007

....

buhay ko?
minsan magulo..
tawa d2, tampo don..
asaran d2, iyak don..
dami problema
dami intindihin.
pero.. buhay ko?
LOVE NA LOVE KO!!!
kasi HINDI KA PART Ni2!


wala nga palang permanente sa mundo..


This is me when I was 6 years old... dba nakakatuwa yung pagmumukha ko.. mukha akong timang.. hahaha.. that's where ages ago.. naalala ko tuloy nung nasa UP Diliman ako standing in front of Vinzon's Hall (habang nakapila sa sakayan ng jeep papuntang Katipunan).. there's a couple of kids playing in the ground of Recreational Facilities. Habang pinagmamasdan ko sila, parang wala silang problema. Mga ngiti at tawang parang hindi na mauulit pa. Sabi nga nila kapag bata ka >>> masaya, yungtipo ng wala kang masyadong iniisip, puro laro at lakwatsa. Ang problema lang nila ng mga oras na yon matapos ang kanilang masasayang tawanan at habulan ay...
"uwi na tayo! baka hinahanap na ako ni inay!"
.. Paktay...

Makalipas ang ilang taon.. heto ako ngayon,, In fact, nandito ako sa work area ko.. nagpapalipas ng oras para ma-relax ng kaunti ang aking isipan mula sa mala-toneladang paper works. wheeeew! Ok naman ako sa ngayon... masaya, walang problema (at 'wag sana magkaroon pa ..hehe).. mayroong permanenteng trabaho at higit sa lahat nakakabayad sa mga dapat bayaran sa buong buwan. Tulad na lamang ng renta sa aking tinutuluyang apartment, kuryente at tubig at kung ano2 pang expenses. Kahet paano nakakapagbigay ng kaunti sa pamilya ko at syempre, kumakain pa naman ako ng tatlong beses sa isang araw... heto nga at pasulat-sulat na lang ako dito sa bago kong blog.. joke..

Mula sa hamon ng buhay.. marami akong napatunayan sa sarili ko. Marami pala akong pwedeng "gawin". Marami pala akong pwedeng "maging". Halimbawa na lang nito, ang sarap pala ng pakiramdam kapag meron kang taong napapasaya, napapangiti nor napapatawa sa simpleng oras na inilaan mo para sa kapwa mo ng with nothing in return. Sana lagi akong ganito.. sana walang problema.. sana katulad pa rin ng dati.. katulad nung bata pa ako.. pero naisip ko, wala nga palang permanente sa mundo kundi ...pagbabago!


Just Starting Out

hey zupp guys!!!

Welcome po sa aking blog! Isinulat ko po ito mula sa naranasan,
nararanasan at mararanasan pa sa aking buhay na medyo eng-eng
at medyo praning... Anyways, thank you for dropping by.. Feel
free to surf and you can leave comment through my
blog entry.

Sa wakas.. mukhang 2loy-2loy na ang aking blog,, at sana hindi
rin ako topakin kundi deleted na nman 'toh gaya ng mga nauna,,
ito po ay isa lamang paraan sa pag-aakala ng aking walang
katiyakang paglakad sa larangan ng kahungkagan.

PS:
Respeto lang po mga kapatid...!

Cheeeeeeers...